PNP, ibinagsak ang PHILHEALTH
Idinapa sa iskor na 100-73 ng Philippine National Police ang
PhilHealth sa kanilang laban upang makamit ang liderato ng kauna unahang UNTV
Cup sa Pasig Sports Center, sa Pasig City.
Umarangkada ang beteranong si Olan Omiping, sa pagkamit ng
3-0 record para sa PNP. Nagtala ito ng 24 points, 9 rebounds, at 4 assists
kontra PhilHealth.
Ayon kay coach Raffy Gonzales, naipamalas ni Olan ang
kanyang pagiging beterano na naghatid sa tagumpay ng kanilang kupunan.
Anya, nakatulong ang kanyang mga ginamit at naroon ang puso
at pride ng PNP.
Maging sina Rolando Abaya, Julius Criste, at Jay Misola ay
nakatulong sa pagkamit ng tagumpay at nagtala ng 37 points.
-Sports News-
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento