Giyera ng mga Iskolar

Edukasyon ang isa sa mga susi sa tagumpay. Sa pamamagitan ng
edukasyon ang tao ay natututo ng mas malawak at malalim pang kaisipan na
nakatutulong sa paghubog ng katauhan. Sa paaralan, sa simula, unti-unting nahuhubog ang ating kakayahan
sa pagsulat at pagbasa na itinuro rin ng ating mga magulang. Hanggang umabot na
sa kalaunan na natututo na tayong ipaglaban ang ang tamang katwiran, magbigay
opinyon at sumagot ng tama.
Bata pa lamang ako naririnig ko na ang salitang
"iskolar". At ang sarap pala sa pakiramdam maging isang iskolar,
ngunit sa kabilang banda may mga iskolar na nahihiyang tawagin silang iskolar
na totoo naman at dapat nilang ipagmalaki. Dahil kung ating iisipin, sa libo
libong kabataang napilitang huminto dahil sa kakapusan ng perang pangtustos ay
isa kang mapalad bilang isang iskolar.
Sapagkat ayon na din sa pag aaral ng UNESCO noong 2008, 73%
o pito sa sampung estudyante ang napipilitang tumigil sa pag aaral dahil sa
taas ng mga bayarin sa paaralan. At sa kolehiyo, 22% o dalawa sa sampung
estudyante lamang ang nakakapasok sa pamantasan.
Sa tuwing may nagtatanong sa akin kung saan ako nag aaral at
kung magkano ang aking binabayaran sa aking pinapasukan..napapangiti ako at
buong puso kong ipinagmamalaki na sa LA VERDAD CHRISTIAN COLLEGE ako nag aaral
at wala akong binabayaran dahil isa akong iskolar.
Sa institusyong ito ko nalaman ang tunay na kahulugan ng
isang iskolar. Marahil ang ibang tao ay hindi pa ito gaanong kilala ngunit
dahil dito naisasakatuparan ko ang aking mga pangarap.
Saan ka nga ba makakakita ng institusyong walang hinihinging
bayad sa pag aaral kundi pag papasalamat lamang sa Diyos at matuto ng mga
kaalaman ang kailangan. Walang binabayaran kahit magkano. Dahil libre ang
lahat, ang tuition fee, pagkain, uniform, pamasahe, dormitoryo, air condition
na kwarto at kung anu ano pa. Sapagkat ang lahat ng iyon ay dahil sa Diyos at
ginawang daan sina Bro. Eli Soriano at
Kuya Daniel Razon.
Ang buhay iskolar ay napakaraming pinagdaraanang hirap sa
pag aaral. Mga siryosong bagay na dapat bigyang kaukulang pansin na
makatutulong para sa kinabukasan. Ang pagsusunog ng kilay ay tanda ng pagiging
tapat sa tungkulin bilang estudyante at iskolar.
-Feature News-
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento