Biyernes, Setyembre 6, 2013


De Lima, agarang magtatalaga ng OIC sa NBI matapos manindigan si Rojas sa pagbitiw

Agarang magtatalaga ng Officer-In-Chief (OIC) si Justice Secretary Leila De Lima sa National Bureau of Investigation o NBI matapos manindigan si dating NBI Director Nonnatus Rojas sa pagbitiw.

Ito ang inihayag ni Sec. Leila De Lima matapos mabigong kumbinsihin si Rojas na huwag nang ituloy ang kanyang Irrevocable Resignation makaraang tatlong beses niya itong kausapin.

Anya, hindi maaaring manggaling sa NBI ang itatalagang OIC lalo na sa deputy director. Kaya posibleng sa Department of Justice kumuha ng itatalagang OIC sa NBI.

Maaalalang naging dahilan ng pagbitiw ni  Rojas ang pasaring ni Pangulong Aquino na hindi mapagkakatiwalaan ang ahensya matapos umano'y may nagtimbre kay Napoles sa paglabas ng warrant of arrest.

-Straight news-

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento