Biyernes, Setyembre 6, 2013


PNP, ibinagsak ang PHILHEALTH

Idinapa sa iskor na 100-73 ng Philippine National Police ang PhilHealth sa kanilang laban upang makamit ang liderato ng kauna unahang UNTV Cup sa Pasig Sports Center, sa Pasig City.

Umarangkada ang beteranong si Olan Omiping, sa pagkamit ng 3-0 record para sa PNP. Nagtala ito ng 24 points, 9 rebounds, at 4 assists kontra PhilHealth.

Ayon kay coach Raffy Gonzales, naipamalas ni Olan ang kanyang pagiging beterano na naghatid sa tagumpay ng kanilang kupunan.

Anya, nakatulong ang kanyang mga ginamit at naroon ang puso at pride ng PNP.

Maging sina Rolando Abaya, Julius Criste, at Jay Misola ay nakatulong sa pagkamit ng tagumpay at nagtala ng 37 points. 



-Sports News-

De Lima, agarang magtatalaga ng OIC sa NBI matapos manindigan si Rojas sa pagbitiw

Agarang magtatalaga ng Officer-In-Chief (OIC) si Justice Secretary Leila De Lima sa National Bureau of Investigation o NBI matapos manindigan si dating NBI Director Nonnatus Rojas sa pagbitiw.

Ito ang inihayag ni Sec. Leila De Lima matapos mabigong kumbinsihin si Rojas na huwag nang ituloy ang kanyang Irrevocable Resignation makaraang tatlong beses niya itong kausapin.

Anya, hindi maaaring manggaling sa NBI ang itatalagang OIC lalo na sa deputy director. Kaya posibleng sa Department of Justice kumuha ng itatalagang OIC sa NBI.

Maaalalang naging dahilan ng pagbitiw ni  Rojas ang pasaring ni Pangulong Aquino na hindi mapagkakatiwalaan ang ahensya matapos umano'y may nagtimbre kay Napoles sa paglabas ng warrant of arrest.

-Straight news-