Huwebes, Pebrero 20, 2014






BULAG

Ang kanyang mga mata’y nakapinid
sa mga bagay na nakapaligid,
dahil sa puso at isip lingid
katotohanang nais ibatid


Tuwa at kasiyahan ang dala
na sa kaniya’y nais ipadama
upang maimulat ang mga mata
at madarama niya’y kakaiba


Mga nilikhang nagbigay sinag
tulad ng araw nagliliwanag
At maging ang buwan sa magdamag
Na sadyang di Makita ng BULAG… ....

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento