
BULAG
Ang kanyang mga mata’y
nakapinid
sa mga bagay na
nakapaligid,
dahil sa puso at isip
lingid
katotohanang nais
ibatid
Tuwa at kasiyahan ang
dala
na sa kaniya’y nais
ipadama
upang maimulat ang
mga mata
at madarama niya’y kakaiba
Mga nilikhang
nagbigay sinag
tulad ng araw
nagliliwanag
At maging ang buwan
sa magdamag
Na sadyang di Makita ng
BULAG… ....